Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kahit sugo ng Malacanang : Piolo, Direk Joyce tinaboy ng Sagada mayor

0 1,216

Pinaalis ng pamunuan ng Sagada, Mountain Province ang grupo nina direktor Joyce Bernal at aktor Piolo Pascual na binalak mag-shoot sa bayan para sana sa state of the nation address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sagada Mayor James Pooten, hiniling nilang umalis sina Piolo para sa kapakanan ng kalusugan ng mga residente roon.

Wala aniyang permit ang makapagbabago ng desisyon nilang isara ang Sagada mula sa mga turista.

Ito, kahit pa may bitbit ang grupo nina Bernal na travel papers at authorization mula sa Malacañang.

“We hope to keep Sagada COVID-free. Hindi nakukuha sa palakasan ito. Health kasi ng mga tao ang kailangan [alagaan],” ayon pa sa alcalde.

Leave A Reply

Your email address will not be published.