Una sa Balita

Kahit olats, pang-World Tour tayo – Altamirano

0 296

BIGO ang dalawang koponan ng Pilipinas, ang Balanga Chooks at ang Pasig Chooks na umusad sa susunod na round matapos kapwa mapatalsik sa quarterfinals ng 2019 FIBA World Tour Masters, Biyernes nang gabi sa Katara Amphitheater sa Doha, Qatar.

Ipinamalas ng world’s top 3×3 team ang matinding kaibahan ng dispilina matapos na turuan ng powerhouse Liman, na world no. 1, at Riga Ghetto, na world no. 3, ang bagong sali na Balanga Chooks at Pasig Chooks sa quarterfinals na isa sa mga qualifying event para sa 2020 Tokyo Olympics.

Matapos manguna sa kanilang grupo sa eliminasyon ay nabigo ang Pasig kontra sa tuluyang tinanghal na kampeon sa torneo na Riga Ghetto, 15-21, habang ang Balanga ay nagantihan ng Liman, 9-21, upang makabitiw sa asam na titulo sa pinaglabanan na una sa nakatakdang 12 World Tour legs nga­yong taon.

Optimistiko naman si Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 commissio­ner Eric Altamirano sa ipinakita ng dalawang Pilipinong koponan na nasa unang pagsabak pa lamang sa torneo.

“We made a statement that we belong here in the World Tour,” sabi ni Altamirano matapos na unang biguin ng Pasig ang nakatapat na Liman, 19-16, habang unang binigo ng Balanga ang Riga, 19-17, sa pool stages ng torneo noong Huwebes Santo. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy