Una sa Balita

Kahit olat: Ganados naipagmalaki ang kakaibang ganda, talento — Palasyo

0 317

HINDI man nasungkit ang korona ng Miss Universe ay binati pa rin ng Malacañang ang kandidata ng Pilipinas sa katatapos na Miss Universe beauty pa­geant na si Gazini Ganados.

Sa inilabas na pahayag ng Malacañang, pinapurihan si Ganados dahil maayos na kinatawan nito ang Pilipinas sa Miss Universe pageant na ginanap na Atlanta, Georgia sa Amerika.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Pane­lo na maipagmamalaki pa rin si Ganados dahil ipinakita nito ang kakaibang kagandahan at ta­lento ng isang Pilipina.

“Ms. Ganados has given pride and glory to the Filipino nation by showcasing the unique beauty and talent of the Filipina,” ani Panelo.

Umaasa ang Malacañang na ang naging karanasan ni Ganados sa Miss Universe beauty pageant ay lalo pang magpaigting sa kanyang kakayahan at mga adhikain bilang beauty queen.

“Her experience in joining the prestigious beauty pageant should add further to her development as a beauty queen. We wish her all the best in her future endeavors,” dagdag pa ni Panelo.

Si Ganados ay nakaabot lamang sa top 20 at hindi pinalad na makapasok sa top 10 at top 5 sa katatapos na Miss Universe beauty pageant. ­(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More