Una sa Balita

Kahit nasa ABS show pa: Dina tumanggap ng show sa GMA

By
0 1,439

Hindi nakatali sa isang exclusive contract si Dina Bonnevie sa kahit na anong TV network, kaya naman malaya siyang magpalipat-lipat.

Patapos na siya sa ‘The Blood Sisters’ ni Erich Gonzales sa ABS-CBN at may nakapagtsika sa akin na sa GMA 7 naman siya mapapanood dahil kasama siya sa Cain At Abel.

Nag-story conference na ang bagong series na ‘yon ng Kapuso network last Friday, pero hindi namataan doon si Dina. Hindi raw muna nagpunta si Dina roon dahil patapos pa nga lang ang airing ng The Blood Sisters sa Kapamilya network.

Abante Hiring – IT dep

Pero sure na sure na raw na balik-Siyete si Dina.

Like Dina, nasa Kapuso­ network din ang kapwa niya Underage beauty noong 80’s na si Snooky Serna. Si Maricel Soriano naman, nasa Dos dahil kasama ang tinaguriang Diamond Star sa ‘The General’s Daughter’ ni Angel Locsin.