Una sa Balita

Kahit may tsutsu, Mommy Divine nganga Matteo-Sarah nag-secret wedding

0 2,033

Officially and legally Mrs. Guidicelli na nga si Sarah Geronimo. Pagkatapos nang halos maghapong alingasngas na nagpa-trending pa both of Sarah and Matteo’s name noong Huwebes, February 20, natuloy na rin ang civil wedding ng dalawa.

Tama nga ang mga bali-balita na kaya maagang na-pack-up si Sa­rah sa The Voice Teens taping ay dahil kaila­ngan niyang sumegueway (segue) sa kasal nila ni Matteo.

Totoo rin na sa BGC naganap at sa nakara­ting sa amin, sa Shangri-La Hotel, BGC ito.

At naglabasan na nga ang mga balita na ang kasalan ay nauwi rin sa gulo.

Diumano ay hindi napigilan ni Matteo ang sarili nang suntukin nito si Jerry Tamara y Cortes, 31 y/o, na close in security ni Sarah, at nakatira sa Mindanao Avenue, Quezon City. Ang hinala kasi ni Matteo ay ito ang nagsabi sa mommy ng singer/actress ng tungkol sa kasal.

Itinanggi ito ng bodyguard na agad ngang nagpunta sa Police Community Precinct No. 7 sa BGC bandang 3:30 in the morning, dala ang medical certificate para ipa-blotter ang actor. Kasunod nga raw nito ang plano na kasuhan si Matteo.

Lumalabas ngayon na wala talagang alam ang ina ni Sarah na si Mommy Divine sa naging kasalan. Nang dumating daw ito, hiniling nitong makausap ang anak. Around 11pm nang suntukin (na napunta sa bandang leeg) daw ni Matteo ang bodyguard.

Sabi-sabi na tinangka talaga harangin ni Mommy Divine ang kasal, kaya kahit gabing-gabi na ay sumugod siya sa venue. Pero hindi nga sya nagtagumpay!

Wala pa kaming makuhang kuwento kung ano ang na­ging reaction ni Sarah sa lahat ng nangyari. Pero dahil sa pangyayaring ito, si Mommy Divine pa rin ang nasa loosing end, lalo na kung mababasa ang comment ng halos lahat ng netizens.

Isa lang ang malinaw, na sa kabila pala ng announcement nila na engaged na sila, tila tutol pa rin si Mommy kay Matteo para sa anak.

At kung totoo rin ang nakarating sa amin, diumano, isa raw sana sa hinihiling ng parents ni Sarah ay ang pre-nuptial, pero mukhang tutol yata si Matteo rito.

Eh, wait, kung mayaman na si Sarah, ‘di ba mas lalo si Matteo? Huh!

Sa isang banda, ang dami namang natuwa na kasal na nga ang dalawa.

Samantala, sa tweet naman ni MJ Felipe, sinabi niya na parehong ‘okey’ raw ngayon sina Sarah at Matteo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More