Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kahit may GF na TV actress: Aktor nagpakaligaya sa ‘spakol’

0 146

Paano kayang hindi malalaman ng isang TV actress ang kalokohan at pagtataksil sa kanya ng boyfriend niya, gayong kalat naman sa buong production ang eksena ng aktor.

Baka dinedma na lang ng TV actress ang kuwento at mas pinahalagahan ang pagmamahal sa actor.

Ginawang “isang platitong mani” sa tsikahan sa kuwentuhan ng mga boss ang pagtatampisaw ni aktor sa ibang kandungan.

Nangyari ito bago magpandemya, na minsang nalasing daw si actor sa isang party, niyaya ito ng isang kaibigan sa isang ‘spakol’.

Kahit girlfriend na nito ang TV actress at nakabalandra sa social media ang mga landian nila, hindi man lang tumanggi ang aktor sa imbitasyon ng kaibigan.

Napadpad sila sa isang health club sa Caloocan, kung saan ang napili pa ng aktor na masahistang girl ay kamukha ng isang 90’s actress.

Siyempre, may nangyari at nagpakasasa talaga ito sa alindog ng masahista.

Sa isang showbiz party na dinaluhan ng aktor sumingaw ang kuwento.

For sure, nakarating ito kay TV actress. Hindi nga lang nabalita kung napag-usapan, kinumpronta, pinag-awayan ba nila ito ng TV actress.

Pero makikita naman sa mga post nila na happy at sweet pa rin sila.

Mahirap pakawalan ang aktor dahil yummy ito. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.