Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kahit may ‘Eat Bulaga’ na: Maja hindi tsutsugiin sa TV5

0 147

Nagpunta ang mag-sweetheart na Maja Salvador, Rambo Nuñez noong Monday sa isang resort sa Laguna. Pero, hindi sila nag-date doon.

Sinamahan lang ni Rambo ang girlfriend sa pictorial shoot para sa isang clothing apparel na ine-endorse ng dating Kapamilya actress na naging Kapatid at the same time ay masasabing Kapuso rin dahil nasa ‘Eat Bulaga’ rin ngayon.

Magkasosyo sina Maja at Rambo sa Crown Artist Management, Inc. kaya walang problem kung sumama man ang binata sa kanyang kasintahan dahil in-charge rin naman siya sa career nito, huh!

Sa chikahan namin ni Rambo kamakailan, tinanong ko siya kung malapit na bang matapos ang ‘Niña Niño’ series na pinagbibjdahan ni Maja sa TV5, pati ang “PoPinoy’ kung saan ay judge ang dalaga?

“May season three ang ‘Niña Niño’. ‘Yung ‘PoPinoy’ naman po, extended. Part pa rin po si Maja no’ng show. Bale two weeks lang po siya wala sa ‘PoPinoy’ noong nagkaroon siya ng COVID exposure,” sey ni Rambo.

Ang bongga lang ni Maja dahil bukod sa two shows niya sa Kapatid Network at may ilang endorsements siya. Bukod sa nag-renew ang clothing apparel brand na dati na niyang ine-endorse ay may dalawa rin siyang bagong endorsements, huh!

John Lloyd Kapuso na sa Nobyembre

Siyempre ‘yung talent management company nina Maja at Rambo, doing good din at pinaka-prime artist nga nila ay si John Lloyd Cruz.

Wala pa nga lang mai-share na kuwento si Rambo tungkol sa sitcom na gagawin ni Lloydie sa GMA-7 dahil wala pa talaga silang kontrata para roon.

Si Direk Edgar ‘Bobot’ Mortiz na dati ring Kapamilya ang nag-aayos tungkol doon.

The latest we heard, sa November pa raw lalabas ang contract para sa nasabing sitcom at saka pa lang sila puwedeng mag-casting.

Ang chika nga, si Lloydie pa lang daw talaga ang naka-cast sa sitcom na ‘yon.

Well, excited na ang mga fan para sa project na ‘yon, pero inaayos pa nga talaga ‘yon.

Parang bagong kasal: Vice, Ion todo rampa sa Orange County

Kahapon ay kasama ko si Anna Puno ng Starmedia Entertainment, Inc. at producer ng US concert tour ni Vice Ganda na magsisimula bukas sa Pechanga Resort Casino sa Temecula, California.

Certified sold out nga ang tickets para bukas at sa Saturday.

Marami pa raw gustong bumili, pero wala na talaga.

Naikuwento rin ni Anna na nag-e-enjoy si Vice sa Los Angeles, California ngayon at sobra nga raw kasi na-miss ng ‘It’s Showtime’ host ang bumiyahe.

According to Anna, bukod sa three shows this year, sa March ay may four shows na si Vice na nakakasa, pero baka madagdagan pa raw.

“Iba talaga si Vice. Ang lakas niya,” sey ni Anna.

Noong Tuesday nga pala ay namasyal sa Southcoast Plaza sa Orange County si Vice kasama ang boyfriend na si Ion Perez at mineet nila roon ang kaibigang si Mary Ann Opeña.

At least, masaya si Vice dahil kasa-kasama niya si Ion na sobrang proud din naman sa relasyon nilang dalawa, huh! Para nga silang bagong kasal na panay ang rampa sa US.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.