Una sa Balita

Kahit may Durant: Nets hilaw — Kyrie

0 378

SA isang kampeong tulad ni Kyrie Irving, gusto niyang kumpleto ang mga piyesa ng kanilang koponan upang mapalakas ang kanilang tsansa sa korona.

Hindi ganito ang senaryo sa Brooklyn Nets.

Tingin ni Kyrie, hilaw at kulang sa piyesa ang kanilang roster.

“I mean, it’s transparent,” maktol ni ­Irving. “It’s out there, it’s glaring, in terms of the pieces we need in order to be at the next level.”

Kailangan aniya ng isa o dalawa pang piraso na bubuo sa kanilang ‘puzzle’.

“I feel like we have great pieces, but it’s pretty glaring that we need one more piece or two more pieces that will [complement] myself, KD, DJ [­Deandre Jordan], GT [­Garrett Temple], Spencer [­Dinwiddie], Caris [­LeVert], and we’ll see how that evolves,” sabi pa nito.

Kasalukuyang No. 8 sa Eastern Conference ang Brooklyn Nets hawak ang 18-22 kartada subalit nasa dalawang kabit nang talo, pinakahuli kontra Philadelphia 76ers kahapon, 117-106.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More