Una sa Balita

Kahit may Clarkson, PH underdog pa rin

By
0 499

Ngayong araw na aakyatin ng Philippine men’s basketball team ang Great Wall of China sa basketball competition sa idinaraos na Asian Games sa ­Indonesia.

Dama ni coach Yeng Guiao ang tarik ng kanilang aakyatin sa pagharap nila sa ­NBA-reinforced team China sa Gelora Bung Karno Sports Complex Basketball Hall.

Kaya kailangan talaga nila ang grind out game kontra sa powerhouse Chinese team upang makuha ang mahalagang panalo at sa posibilidad na makatuntong sila sa podium.

Abante Hiring – IT dep

“The important thing is keep the game close, be aggressive for 40 minutes and try to duplicate the defense that we played against Kasakhstan,” sabi ni Guiao.

Sa simula ng kampanya ng national team noong Huwebes gamit ang malakas na depensa, parang bulang hinipan ng Pinoy basketeer ang mga Kazakhs, 96-59, na ipinagbunyi ng buong bansa.

Pero nanatiling tahimik lamang si Guiao dahil alam niya na ang totoong laban nila ay kontra sa mga Chinese na may dalawang NBA player.

Ang mga ito ay sina Zhou Qi ng Houston ­Rockets at Ding Yanyuhang ng Dallas Mavericks.

Sabi nga ni Guiao, hindi ang A-team ang ipadadala ng China sa Asian Games.

Pinaghalong beterano at mga bata pero nanatili pa rin itong delikadong kalaban dahil sa mabibilis at matatangkad.

Sa kabila na meron na ang national team sa katauhan ni Jordan Clarkson na dumating ng ­Jakarta sa kasagsagan ng laban sa Kazakhstan, para kay ay Guiao nananatili pa ring underdog sila sa sagupaan ngayong araw.

“Even if we have Clarkson, we are going to be the underdog,” sabi ni Guiao.

Pero ngayon at may Clarkson na siya, medyo nakasilip ng tsansa si Guiao na kayang talunin ang China.

Sabi nga niya noong wala pa si Clarkson at hindi pa pinapayagan ng NBA na maglaro para sa Pilipinas, para talagang walang pag-asa na manalo sa China.