Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kahit may bagong BF na: Aktres ‘pakangkang’ pa rin kay ex-dyowang aktor

0 323

Ang aktor na ito ang puwedeng bansagang “God’s gift to Women” o “Sex God” dahil hindi siya puwedeng pakawalan ng mga nakakatikim sa kanya.

Guwapo, macho, magaling umarte, pero hindi sapat ito para paulit-ulit siyang pagnasaan ng dating nakarelasyong aktres. May kakaibang galing kasi ang aktor sa pakikipagtalik.

Ang kuwentong nasagap namin, kahit daw hiwalay na ng ilang buwan ang aktres at aktor, at kahit may iba na raw karelasyon ang aktres, may mga pagkakataong pinupuntahan pa rin niya sa condo ang una para magpagalaw, makipagtalik.

Kinakatok ni aktres si aktor para makipagkangkangan ito, samantalang may boyfriend na siya, ha!

Mahusay raw kasi sa kama si aktor. Over-the-top daw ang performance level nito na hindi puwedeng talikuran ng aktres ang sarap na nararanasan niya rito.

Kaya raw nagkabalikan ang aktor at ang isa pang aktres ay dahil sa walang patumanggang rurok ng ligaya ang nalalasap ni babae sa lalake.

Noong single pa si aktor, hindi na ito nagi-effort na mag-dyowa pa kasi kusang dumarating na ang grasya sa kanya, at talagang pamatay rin naman sa ganda at kaseksihan ang mga lumalapit sa kanya.

Mahal lang talaga ni aktor si aktres kaya sila nagkabalikan. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.