Una sa Balita

Kahit mas mahusay umarte: Jasmine hirap kumawala sa anino ni Anne

0 304

Ni Rose Garcia

Lumaki si Jasmine Curtis Smith sa Melbourne, Australia hanggang sa pasukin na rin niya ang showbiz noong 2010 pero kahit siya ay aminado at tanggap na mas kilala siya bilang “kapatid ni Anne” than her own real name.

Hindi na nga siguro maiaalis ang pagkakakilanlan kay Jasmine as Anne’s sister pero sa loob ng halos siyam na taon sa showbiz simula sa pagiging TV5 Princess, ang mga katagang “mahusay na aktres” ang isa sa puwedeng ipagmalaki ni Jasmine na kilala na siya.

“Nakakataba ng heart. Si­yempre, iba rin naman na parang nag-flood ‘yung comment section ng Instagram account ko. I guess, overwhelming.

“Kasi, you’re just doing your job. You’re just giving your 100 percent. To see that people we’re able to notice at talagang nadama nila, thankful ako kasi ako, damang-dama ko rin naman ang lahat ng iyak ko ro’n.”

Pagkatapos siyang mapanood sa “Sahaya,” is it about time na siya na talaga ang bida sa susunod niyang Kapuso serye?

“Wow, if it comes, why not, right? Pero, kanya-kanyang ti­ming.”

Ilang acting awards na rin ang napanalunan ni Jasmine at isa siya sa kinikilalang batang aktres pagdating sa larangan ng pag-arte.

May mga nagkukumpara rin sa kanila ng ate Anne niya na diumano’y mas magaling daw siya bilang aktres dito.

‘Pag naririnig niya ‘yun, ano’ng reaksyon niya?

“Flattered,” sabi niya.

Tanggap ni Anne ‘yun?

“Actually, dati pa namin napag-usapan. Kasi, sobrang iba na ang gusto namin for both our careers. I mean, she want to make people happy, entertain people, I think, hindi ako singer, hindi ako pang-Araneta.”

Pero kapag sinabing aktres, siya naman daw ‘yun?

“I’m thankful, iba kami ng pakay. Ano kami e, ‘girl, ang ga­ling mo dito.’ Pinupuri niya lang talaga ko. Gusto niya, inaangat niya lang din talaga ‘ko. Protective pa.”

‘Private nurse’ sa pamilya

Nag-open-up si Jasmine sa na­ging interview niya sa CNN Philippines na lumabas ilang araw pa lang ang nakalilipas. Isa sa nabanggit niya ay ang pagiging “private nurse” raw niya sa kanilang ina na naka-base sa Australia habang ang kapatid niya na si Anne naman ang lumalabas na “private financing” sa kanilang lahat.

Aniya, “I’ve also decided to become my mother’s on-call private nurse, ready to figure out ways to get to her as fast as I can when things get tough and painful. Anne will always be our private financing/on-call nurse too, and I will always be the operations of the team we call our family. (Unless, life blesses me more and I can pitch even half the amount she can!)”

Sa naging interview naman namin kay Jasmine, dito niya nailahad nang maoperahan nga ang mommy nila sa Australia at dalawang linggo siya rito at sumunod na lang din si Anne.

“She’s so much better now. She was in ICU for two days at kinaila­ngan talaga na may mag-alaga sa kanya when she was discharged. But she was in the hospital for three weeks so si ate, sumaglit for like three days.”

Tatlong beses na raw naoperahan ang Mommy niya at sa nga­yon daw, okay naman daw ito, mas healthy na.

Sabi pa ni Jasmine, “She’s healthy now, she’s just in a lot of pain.

Siyempre, mahirap naman na mag-isa siyang mag-recover, walang kikilos for her. She can’t walk lang just some distances and she can’t eat solid food or exert so much energy. Every thirty minutes pagod na siya, kasi, healing pa rin siya. It was more on, may private nurse lang siya on me.”

Ang ate raw niya ang hindi inaasahan ng mommy niya noon na darating sa Australia, talagang sinadya raw nila na gawing pangsorpresa rito ang kapatid.

Inagawan ng titulo si Kris? Bagong horror queen

Isa na namang milestone sa career ni Jasmine ang bago niyang pelikula, ang horror movie na “Maledicto”. Unang Filipino film ito ng FOX Original Productions at co-produced ng Unitel at Cignal Entertainment na ipalalabas sa May 1.

“First time kong mag-madre,” sey niya.

“May pagka-clairvoyant siya. May mga nakikita siya. May mga nararamdaman siya. She refuses to believe the way Tom Rodriguez sees it. Sa kanya kasi, may scientifical explanation. Sa akin, more on religious.”

Tinawag si Jasmine sa ginanap na presscon na “horror queen”. Obvious na alam nito kung sino ang orihinal na tinatawag na horror queen, kaya natawang sabi niya, “‘Wag naman.”

“Huwag naman nating kunin ‘yun kay Ma­dam. I know that’s her. That’s what she achieved on her own, so sa kanya ‘yun, ‘wag nating… eve­ry actors has their own title.”

Anong title ang gusto niya?

“Lahat! Lahat ng genre! Char! Ha ha ha! We’ll see, nine years pa lang naman ang career ko.”

Hindi pa handang pakasal kay Jeff

Tatlong taon na rin ang relasyon ni Jasmine sa non-showbiz boyfriend nitong si Jeff Ortega. At business partner na rin sila sa ipinapatayong hotel sa La Union.

Pero nang matanong kung handa na nga bang pakasal, “Hindi pa ko ready,” nakangi­ting sabi ni Jasmine.

“Napag-uusapan namin and napag-uusapan din namin na if it will come anytime soon, will I be ready? I was very honest naman with him and say na I think, there’s still things na ako, I have to do and bukod sa have to, ang dami ko rin gusto pa, ang dami ko pang dreams and need to accomplish on my own.”
Sinigurado naman ni Jasmine na ano man daw ang mga gusto pa niyang gawin, hindi na maapektuhan ang relasyon niya sa boyfriend.

“I feel like sobra ang support niya and do’n lagi bumabalik kung kunwari, magkaroon man ng any thoughts or any – parang kuwestyon, bumabalik na lang ako lagi sa alam mo, pinanindigan naman niya, nandiyan pa rin siya, hinayaan ka niya.

“Saan ka pa rin ba makakahanap ng taong mag-i-stay na sabihin na ‘wait lang ha, ako muna, balikan kita later.’ ‘Yung appreciation lang I guess, keeps us glued together till the end.”

‘Wala akong sakit’

Isa sa naging isyu kay Jasmine ay ang kapansin-pansin na pagpayat niya. Aminadong dati, naapektuhan din siya sa mga nababasang komento lalo na ng ilang netizen.

“I was before, I was very emotional. Si­yempre, kapag ‘yun na lang ang naririnig mo at walang napapansin with the work that you’re putting out, nawawala ‘yung – parang I’m not here to show my body. I’m here to show my acting and what I did to the pro­ject that I’m casted.

“Parang nakaka-bother lang at first, parang nawawala ‘yung focus on your work, nagiging personal on what you look like.”

Naiintindihan naman daw niya ‘yung iba na concerned lang din sa kanya regarding her health.

“I understand pero, ilagay rin natin ‘yung sarili natin sa lugar when we talk to people online, when we speak, what words we choose. Para hindi rin ma-misinterpret ‘yung concern.”

For the record, nilinaw na nga niya dati pa na hindi siya ano­rexic at wala rin siyang health issue dahil sa nakitang pagpayat niya.

“I already answered that question at nagpa-doctor na nga ako and everything. In-analyze na ako ng doctor and I was never anorexic. That’s why people need to be careful. Body shaming people and calling people anorexic when they themselves have already said it multiple times that they’ve been analyzed na hindi nga.”

Bagong ka-tandem ni Alden

Pagpasok pa lang ni Jasmine bilang isang Kapuso ay naging maingay na agad ang posibilidad na silang dalawa ng Pambansang Bae na si Alden Richards daw ang magtatambal.

May mga nang-bash pa nga kay Jasmine umpisa pa lang. Pero ngayon, mas malaki na raw ang posibilidad na pagtambalin na nga sila.

“Wala naman akong problema, kahit sino. If it’s with Alden, I’m okay with that.”

Kung siya ang masusunod, sino ang gusto niya talagang maging leading man?

“Kung sino ang ibigay ni GMA. I never really choose to be honest. Hindi naman ako casting director, ‘wag naman nating agawin ang work, ‘di ba? Hahaha!

“It depends, siyempre, mag-i-screen test pa ‘yan. I don’t know, marami naman diyan.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy