Una sa Balita

Kahit ‘di pa laos si Tabal, hahanapan na ng kapalit

By
0 1,028

Maski hindi pa laos si 2016 Rio de Janeiro Olympian marathoner Mary Joy Tabal, maghahagilap na rin ang Phi­lippine Sports Commission ng papalit sa kanya sa susunod na taon.

Uumpisahan ng PSC ang pagtuklas sa susunod na Filipina marathon star sa grassroots program na Sinulog 10K/5K/3K Fun Run 2018 ng PSC Visayas Open Tournament sa Linggo, Enero 7, paalis at pabalik sa Cebu City Sports Center grounds.

“We will jumpstart the Visayas Open 2018 with a series of events for the year,” bulalas kamakalawa ni Boobie Kintanar ng PSC at kumatawan kay PSC commissioner Ramon Fernandez. “We want to discover new talent from the youth.”

Tutudlain ng government sports agency ang mga atletang may edad na 12-anyos at pababa pa lang na ikukuwadra sa Visayas training pool sa running sa paggabay ng PSC-Philippine Sports Institute at ng CCSC.

“Our goal is to find the next Mary Joy Tabal in the Visayas,” hirit ni PSI director Nonie ­Lopez. “We want to find them now at age 12 or at age 16, not at age 20 because it will be too late. At age 12, they will be guided before they get to 16 or 20. They’ll peak at the right moment.”

Dinugtong niyang kung karamihan sa coaches ay tumatapik na ng talento sa sekondarya at kolehiyo, ang PSC-PSI-CCSC naman ay aasinta na agad ng mas mga bata pa upang hubugin at maging miyembro ng national training pool sa hinaharap.

May tatlong kate­gorya ang youth ­division sa patakbo na kapapalooban ng 3K Under-12, 5K Under-16 at 10K Under-22 na libre ang rehistrasyon sa lahat.

Ang top five girls and boys finishers sa Under-14, Under-16, Under-18, Under-20 at Under-22 ang bubuo sa 60 runners sa Visayas training pool.

Magpapasiklaban ­tapos ang 60 sa dalawang Visayas Open Marathon kada taon simula sa Iloilo City sa Agosto upang mabatid ang 120 na papasok sa Visayas pool na hahasain kada linggo sa 12 loob ng tatlong buwan ni coach Philip Duenas.