Una sa Balita

Kahit ‘di pa expired: Prangkisa ng GMA pirmado na ni Digong

0 822

Dahil mainit na usapin ngayon ang prangkisa ng ABS-CBN at talagang inilalaban naman ng network na muli silang mapagkalooban, kumusta nga ba ang Kapuso network naman sa usaping ito?

Tahimik, ‘di ba? ‘Yon ang dating sa amin, tahimik lang sila.

Tinitingnan namin ito na paraan na rin siguro ng network na pagrespesto sa pinagdadaanan ng kalaban nilang network.

Pero ang siste, ngayong pag-uusapan na sa kongreso ang tungkol sa ABS-CBN franchise renewal, may lumalabas o gumagawa ng isyu na diumano’y tulad ng Kapamilya network, paso o expired na rin daw ng kontrata ng GMA! At diumano’y hindi rin daw nakakapag-renew ang station.

So, if ever, dalawang malaking networks ang posibleng magsara? Huh!

Pero ‘yon na, walang katotohanan at mukhang may gusto lang mandamay sa Kapuso sa isyu ng prangkisa. Nilinaw ng GMA na wala raw naging problema sa pagpapa-renew ng prangkisa ng network. In fact, kahit hindi pa expired, e, pi­nirmahan na raw agad ni Pangulong Duterte ang franchise renewal.
At safe na safe ang network for another 25 years, huh!

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More