Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kahit ‘di pa aprub: COVID bakuna sa China dinudumog

0 161

Isang siyudad sa China ang pinupuntahan ng mga tao dahil sa nasabing lugar ay binebenta na diumano ang ang mga bakuna laban sa COVID-19.

Sa report ng CNN, inusisa ang siyudad ng Yiwu, isang maliit na lugar sa Zheijang, kung saan dinadayo pa umano ito dahil makakakuha na ng COVID-19 vaccine sa naturang lugar.

Sa panayam kay Anny Ku, nagtatrabaho sa Chile, sinabi nito na mayroong mga report na may COVID-19 vaccine na sa Yiwu kaya agad niya itong pinuntahan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala pang opisyal na pahayag ang gobyerno ng Yiwu kung available na sa kanila ang mga experimental na bakuna, nguit sa siyudad naman ng Jiaxing ay lantad na umano ang pagbebenta ng COVID-19 vaccine na batay sa kanilang Center for Disease Control ay nag-ooffer na sila ng bakuna para sa mga talagang nangangailangan sa halagang $60 o P2,900.

Batay din sa report, may nagkumpirma umano na staff ng isang ospital sa Yiwu na nagbibigay na rin sila ng bakuna para naman sa mga taong bibiyahe patungo sa ibang bansa.

Sa ngayon ay wala pang inaaprubahang bakuna laban sa COVID-19, kung saan iilan pa lang ang nasa Phase 3 na ng clinical trial na kailangang maipasa bago tuluyang maaprubahan at mapatunayang epektibo laban sa coronavirus. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.