Una sa Balita

Kahit bundat na:Marian pantasya pa rin ng kalalakihan

0 1,122

Ni: Glenn Regondola

Walang kamot, noh!”

Ito ang masyoray na mga reaction ng mga supporter ni Marian Rivera tungkol sa inilabas na pictures niya in two-piece showing her baby bump.

Nasa Siargao ngayon sina Marian, Dingdong Dantes at anak na si Zia para sa kanilang family bonding at dito nga naganap ang pictorial ni Marian in her rainbow-colored swimwear.

Kahit buntis ang diyosa ng local showbiz, talaga namang hindi ito pakakabog sa kanyang kaseksihan at pagiging Ms. Flawless.

Para nga sa kalalakihan, hot mommy talaga ito na walang kupas ang sex appeal para sa kanila, huh!

True to her caption, “My heart is full and so is my tummy…” na may hashtag na #walangkatumbas.
Korekek!

Mga magulang ni Kisses nagpakasal sa Korea

Wow! Korean-style pala ang ginawang renewal of vows ng parents ni Kisses Delavin na sina Gilbert at Carrie Delavin. True, hu­mingi muna ng pansamantalang break sa showbiz ang 19-year-old teen actress upang magbakasyon sa Korea kasama ang parents niya.

Hindi niya akalain na bukod sa bakasyong iyon ay gagawin din ang renewal of wedding vows ng kanyang parents para sa kanilang ika-25th anniversary.

Wearing the traditional Korean costume na Hanbok, muli ngang nagsumpaan ng walang pagmamahalan ang kanyang parents.

Tuwang-tuwa naman si Kisses na nag-iisang anak lamang dahil na-witness na raw niya kung paano nga magpalitan ng “I Do’s” ang kanyang mga magulang, at sa abroad pa, ha?

Joel Palencia naka-move on na sa kissing scandal sa kapwa lalaki

Na-overcome na raw ni Joel Palencia, isa sa That’s My Bae 2015 finalists ang eskandalong pinagdaanan niya tungkol sa kissing picture niya sa dating co-model niya.

Ayon sa kanya, napatunayan naman na ‘yun ay photoshopped at alam niyang ginawa lang ito ng isang kampo to out him down. Sigurado raw siya sa kanyang pagkalalaki at masaya siya sa dyowa niya ngayong taga-Quezon City.

Tungkol naman sa kanyang career, pakiramdam niya ay gumaganda naman ito kahit kumawala na siya sa kanyang dating management. Hindi naman daw nawawala ang utang na loob niya sa Triple A, pero pakiramdam niya ay marami rin siyang nagagawa ngayon.

Bilang dating Bae ng Eat Bulaga, kumukunsulta pa rin siya rito kapag may role siyang dapat tanggapin. Happy siya na isa siya sa Toda Boys sa show na TODA One I Love nina Kylie Padilla at Ruru Madrid na ipapalabas next year.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy