Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kahit break na? Edward mahal ng nanay ni Maymay

0 356

Hanggang ngayon ay super close pa rin si Edward Barber sa nanay ni Maymay Entrata. Katunayan, noong pumirma ng kontrata si Edward sa ABS-CBN kamakailan, nagbigay ng mensahe ang nanay ni Maymay.

“Nagulat ako,” sabi ni Edward.

“Akala ko daddy ko ang magbibigay ng message. Nakita ko nanay ni Maymay. Na-surprise ako,” sabi ni Edward na hanggang ngayon nga raw ay magkachika pa rin sila ng nanay ni Maymay, kahit marami ang nagsasabing break na sila.

Kahit naman daw sila ni Maymay ay ‘strong’ pa rin ang relasyon bilang magkaibigan.

“Ang masasabi ko ay si Maymay pa rin ang pinaka-closest friend ko. May mga bagay na hindi puwedeng i-share sa public. Pero kahit ano ang mangyari hindi mawawala `yon,” sabi pa ni Edward.

Anyway, ang paghu-host nga ang sabi-sabing focus ng atensiyon ni Edward ngayon. Ang husay nga raw nito, at pinakita niya `yon sa sunod-sunod na event na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN.

“Sana po mas maraming hosting job na dumating. Sana po,” saad niya.

“Flattered ako, pero malaking burden `yon,” sabi niya sa mga nagsasabi na siya na ang susunod sa mga yapak nina Luis Manzano at Robi Domingo.

“Personally, sa tingin ko iba ang style ko sa kanila. I’m not a comedian, sila magaling magpatawa. Iba ang style ko, atake ko.

“Sa ngayon hindi ko pa ma-figure out kung ano ako. Hindi ko alam kung paano mangayari `yon. I love to grow pa. Nagi-enjoy lang ako ngayon, kahit ma-stress minsan,” sabi na lang ni Edward. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.