Una sa Balita

Kahit binoykot, presidente ng Venezuela nanumpa na

0 504

SA kabila ng kritisismo at umano’y kuwestiyonableng pagkapanalo sa nakaraang halalan, nanumpa na para sa kanyang ikalawang termino bilang pangulo ng Venezuela si Nicolas Maduro.

Nagwagi ang 56-anyos na lider matapos makakuha ng 67.84 porsyento ng boto, na nagresulta sa pag-boykot ng mga nasa oposisyong grupo dahil umano sa kurapsyon sa pamumuno ni Maduro at mga iregularidad sa nangya­ring eleksiyon noong 2018.

Kabilang sa isinagawang seremonya para sa panunumpa ni Maduro ang iba pang opisyal at mga delegado mula sa 92 bansa, kabilang sina Bolivian President Evo Morales at Cuban President Miguel Diaz-Canel.

Idiniin ni Maduro ang pagiging demokratiko ng Venezuela, at sa loob ng 19 taon ay nagkaroon ito ng 25 na eleksyon para sa lahat ng posisyon sa gobyerno.

Sinabi ni Maduro na ang seremonya ay isang peace step para sa kanilang bansa.
“This banner does not belong to me, this banner belongs to the rebellious and sovereign people of Venezuela,” sabi pa ni Maduro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy