Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kahit binalewala sa ‘Showtime’ Kim malabong lumipat sa GMA

0 1,646

Imbyerna ang mga fan ni Kim Chiu sa ‘It’s Showtime’, ha!

Sunod-sunod ang mga komento na nagsasabing hindi nila gusto ang ginagawang pambabale-wala ng production sa idolo nila.

Napapansin kasi ng mga fan ni Kim na puro sina Vice Ganda at Vhong Navarro na lang ang pinaghu-host ng mga segment sa It’s Showtime’. Kung noon ay nagkakasama pa ni Vice si Kim sa ibang segment, ngayon daw ay halos sa opening na lang nila nakikita ang idolo nila.

“Parang show nina Vice at Vhong kasi sila na lang dalawa naghu-host. Ang laking tulong ni Kim dahil kahit saan siya ilagay, kaya niya. Parang ayaw na siyang bigyan ng mikropono!” sabi ni Aikz.

“Mali rin yung management ng ABS-CBN kasi hindi nila binibigyang importansiya si Kim. Si Kim ay nakipaglaban at nanindigan sa ABS, tapos binalewala nila. Ang ganda ng pakikisama sa kanila ni Kim, tapos balewala lang,” saad naman ni Gjethrode.

Pero, nakakaloka naman ang hirit ng ibang fan, na obyus na hindi type si Kim, dahil naisip talaga nila na gumagawa lang ng rason si Kim, kaya raw puro hugot ang mababasa sa IG nito, dahil mukhang lilipat ito sa GMA 7, ha! Mukhang susundan daw nito si Xian sa Kapuso Network.

Ay, ang alam ko lang, pumirma ng kontrata si Kim kamakailan, di ba?

December 2020 pumirma ng kontrata si Kim sa Channel 2, kasama ang iba pang Kapamilya talent tulad nina Enchong Dee, Arjo Atayde, Gary Valenciano, Maymay Entrata, Edward Barber, Donny Pangilinan, Andrea Brillantes.

So, malabo naman `yon, di ba? (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.