Una sa Balita

Kahit bahay kubo may tax

0 445

Dear Attorney Claire:

Magandang hapon po. Nais ko pong itanong kung may tax ho ba ang bahay kubo?

Nagbabayad po kami ng real property tax ng lupa, ngayon balak naming gawing mun­ting resort ang a­ming lupa, tayuan ng 1 unit na bahay kubo gawa sa kawayan at nipa na may sukat na 40 sqm. at sa ilalim ng kubo ay sementado with tiles. Meron siyang 1 meter column (poste) from ground level, ele­vated po ‘yung kubo. Appro­ximate cost P80,000 to P100,000.

Ito po ba ay may tax? Marami pong salamat.

Gumagalang,
Manny

Dear Manny:

Tama ka na binabayaran mo ng real property tax o amilyar ang lupa ninyo pero kapag ikaw ay nagpagawa ng anumang istraktura sa lupa ay kakailanganin mo ang building permit para sa pagpapagawa mo ng improvement. Dahil dito ay kakailanganin mo na makipag-ugnayan sa engineering department ng local government unit (city or municipality) na may sakop sa lugar na pagtatayuan mo ng building o improvement.

Related Posts

Kapag na-approve at nakapagpatayo ka na ng building ay ipapasuri iyan upang ma-assess ang value para malaman mo kung magkano ba ang babayarang amilyar. Makipag-ugnayan sa Assessor’s Office upang ipaalam ang bagong improvement na naitayo.

Kung ang naitayong building o bahay o anumang improvement ay hindi mo ipapa-assess upang magkaroon ng sariling declaration of real property tax ay mahihirapan ka rin namang makakuha ng business permit kung balak mong gawing negosyo ang resort dahil hahanapan ka ng Business Permits and Licen­sing Office (BPLO) ng mga supporting document ng naturang improvement.

Kung binalak mo nang ibenta ang lupa at building ay hindi mo rin maibebenta ito dahil sa walang kaukulang tax declaration ang improvement.

At kapag hindi nabayaran ang amil­yar dahil sa hindi mo dineklara at pinatayo nang walang mga buil­ding permit at ibang permit na kailangan ay maaari kang makasuhan ng criminal case ayon sa National Buil­ding Code at magbaba­yad ka pa ng tamang amilyar na may kasama ng interes at penalty.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag sa 410-76-24 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy