Una sa Balita

Kahit alam ang hirap ng mga commuter: Wala talagang transport crisis – Panelo

0 348

RP

Hindi natinag si Presidential Spokesperson Salvador Panelo, pinanindigan ang kanyang naging pahayag na walang mass transport crisis sa bansa.

Saad ni Panelo, hindi ibig sabihin na taliwas ang kanyang pananaw sa mga ‘leftist’ ay hindi na umano niya batid ang hirap ng mga commuter sa Metro Manila.

Matagal na umanong batid ng gobyerno ang hirap ng mga commuter na namumuhay at nagtatrabaho sa Metro Manila, nararanasan na umano ito sa nagdaang dalawang administrasyon at napasa lang sa panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Saad pa sa statement ni Panelo, nais ng Duterte administration na kaagad itong masolusyunan ngunit hindi ibinibigay ng Kongreso ang emergency powers sa Pangulo.

“This Administration wanted to address the same immediately but Congress opted not to grant the Presindetn the emergency powers he asked from it at the inception of his presidency to solve it,” ayon kay Panelo.

Depensa din ni Panelo, wala talaga umanong mass transit paralysis dahil aniya, ang mga problema na nararanasan ngayon ay tanging sa mga mass transit system tulad ng MRT at LRT na tingin ng spokesperson ay kayang masolusyunan.

“That is why we are rehabilitating the MRT-3, building the Metro Manila Subway, MRT-7, Common Station, LRT-1 Cavite Extension and PNR Clark, among others,” aniya pa.

“I stand by my statement: there is no mass transport crisis. The crisis is in the sufferance of commuters and motorists, while the other crisis is in the inefficient operation and mainternance of the LRTs – the crisis is in its poor management.:

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy