Una sa Balita

Kahandaan sa kalamidad paigtingin pa

0 284

“Pag-aralan natin ang ating kahandaan sa pag­responde at paghahatag ng nararapat na tulong sa kalamidad at ayu­da sa panahon ng mga natu­ral na kalamidad. Dapat ipagpatuloy ang atin­g mga edu­cation drive at simulation drill.

Higit na kumpleto ang kahandaan ng isang alerto at may kaalamang mamama­yan kung paano harapin ang mga ganitong uri ng emergency.”

Ito ang pahayag ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III nang ipahatid ng Pilipinas ang marubdob na pakikiramay Indonesia matapos ang 7.4 magnitude earthquake na nagresulta sa tsunami na ikinamatay ng mahi­git 800 katao. Patuloy pa rin sa pagtaas ang bilang ng mga namatay habang patuloy ang pagresponde sa mga apektadong lugar. 

Samantala, isang malakas na bagyo na may international name na ‘Kong-Rey’ ang papasok naman sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa mga susunod na araw.

Parating ito makaraang hinagupit ng bagyong ‘Ompong’ ang Hilagang Luzon may dalawang linggo na ang nakarara­an at pininsala ang mga pananim at mga alagang hayop na umabot sa halagang P26.7 bilyon ayon sa Department of Agriculture. Naitala naman ang mga namatay sa halos 70.

“Hindi natin kayang pigilang huwag mangyari ang mga natural na kalamidad pero maaari naman tayong makapag­handa nang maayos lalo na nga’t nakapaloob tayo sa iisang earthquake at volcanic zone. Pagdating sa bagyo, mas apektado naman tayo nito kaysa ating mga ASEAN neighbors,” ani Pimentel.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy