Una sa Balita

Kahandaan ng gobyerno sa water shortage sisipatin ng Senado

0 271

NAGHAIN si Senador Joel Villaneuva ng isang resolusyon na nag­lalayong siya­satin ang kahandaan ng pamahalaan na matugunan ang inaasahang kakapusan sa suplay ng tubig ngayong summer.

Sa Senate Resolution 329, sinabi ni Villanueva na nais niyang malaman ang update kaugnay ng mga pipeline project ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kabilang ang Bulacan Bulk Water Supply Project, Kaliwa Dam, Ipo Dam 3 Pro­ject at iba pa.

“We need to closely monitor the national water programs, activities, and projects being implemented and undertaken by the government,” ani Villanueva.

Ayon sa senador, kailangang mapaghandaan ito ng gobyerno para hindi na muling makaranas ang mga residente ng Metro Manila ng water crisis tulad ng nangyari noong nagdaang taon.

“It’s almost a year since the shortage happened so we’re expecting that the MWSS and its two concessionaires are better prepared this time,” sabi ni Villanueva.

Ang tinutukoy niya ay Manila Water na nagseserbisyo sa east zone ng Metro Manila at Maynilad naman sa west zone at Greater Manila Area.

“Our experience last year shows that Metro Manila has an ina­dequate water supply. Our regulator and concessionaires should be able to respond to this upcoming problem,” sabi ng senador.

Kahapon, inihayag ng Philippine Atmos­pheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na nasa 202.23 meter ang water level sa Angat Dam, ang source ng tubig para sa Metro Manila, na angat pa sa critical level na 180 meter.

“This is especially more so considering that Angat Dam has not reached its ideal level of 212 meters,” ani Villanueva. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More