Una sa Balita

KAGAWARAN SA KALAMIDAD BINUBUO NA

By
0 179

Bumuo na ng Technical Working Group (TWG) ang Kamara para pag-aralan ang inihain na 43 panukalang batas sa sa pagtatatag ng isang departamento para sa kalamidad na magi­ging kapalit ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Office of Civil Defense (OCD) at iba pang ahensya na na­ngangasiwa tuwing may kalamidad.

Ayon kay Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt-Romualdez, si Albay Rep. Joey Salceda ang mamumuno sa TWG at tiwala siyang magagampanan nito ang kanyang trabaho lalo at minsan na umanong kinilala ng United Nations ang kagalingan ng kongresista sa disaster risk reduction nang maharap sa mala­king sakuna ang kanilang lalawigan dahil sa pagputok ng bulkang Mayon at ilang pananalasa ng malalakas na bagyo.

Aniya, mahalagang magkaroon na ang Pilipinas ng Department of Disaster Preparedness and Emergency Management (DDPEM) na pamumunuan ng Kalihim ng Department of National Defense dahil hindi umano sapat ang NDRRMC.

“The Philippines cannot continue to have a disaster organization that only has coordinative functions given its too much exposure to disasters,” paliwanag ni Romualdez.

Ang ipinapanukalang DDPEM ay katulad umano ng Federal Management Agency sa Estados Unidos.

Bubuo rin ng Congressional oversight committee para sa naturang kagawaran. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More