Kagawad utas sa pamamaril

By

Patay sa pamamaril ang isang aktibong barangay kagawad matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek dakong alas-nuwebe ng gabi kamakalawa sa Bacoor City, Cavite.

Kinilala ng Bacoor Component Police Station ang nasawing biktima na si Robinson Ordinez ng Barangay Panapaan 8 sa nasabing lungsod, na pinagbabaril ng hindi nakilalang suspek sa Almond Street, Meadowood Executive Village sa nasabing barangay.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima at dineklarang dead-on-arrival sa ospital sanhi ng mga kritikal na tama mula sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Inaalam na ng pulisya ang posibleng pagkaka­kilanlan sa mga nagsitakas na suspek sakay ng ‘di naplakahang motorsiklo, kasalukuyang sinisilip ng pulisya ang mga CCTV na installed sa bisinidad ng pinagyarihan ng krimen. 

SHARE