Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kagawad tigok sa riding-in-tandem

0 104

Patay ang isang barangay kagawad matapos siyang barilin ng riding-in-tandem na mga suspek sa Lian, Batangas noong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Buenaventura De Luna Caraig, kagawad ng Barangay Binubusan ng nasabing bayan.

Batay sa ulat ng Lian police, bandang alas-8:30 ng umaga nang barilin ng mga suspek, na magkaangkas sa motorsiklo, ang biktima sa nasabing barangay.

Tinamaan sa likod si Caraig habang agad na tumakas ang mga hindi nakilalang salarin matapos ang pamamaril.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isinugod sa Apacible Memorial Hospital sa bayan ng Nasugbu ang biktima subalit idineklara na itong dead-on-arrival ng doktor.

Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng kalibre .45 na baril.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo at pagkakakilanlan ng mga suspek. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.