Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kagawad niratrat habang pauwi

0 82

Patay ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang pauwi sa bahay kamakalawa ng hapon sa Lagonoy, Camarines Sur.

Kinilala ang biktimang si Felipe Pajarin, nasa hustong gulang, kagawad ng Barangay Bocogan ng nasabing bayan.

SM food to go Banner Ad

Sa ulat ng Police Regional Office 5 sa Camp Crame, naganap ang insidente alas-5:00 ng hapon sa kahabaan ng Zone 7A, Barangay Bacogan.

Naglalakad ang biktima pauwi ng kanilang bahay nang sumulpot ang mga suspek at malapitan itong pinagbabaril.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon hinggil sa motibo ng pagpatay. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.