Una sa Balita

Kagawad nang hablot ng cellphone

By
0 20

Kasong robbery ang kinakaharap ngayon ng isang barangay kagawad makaraang makorner ng awtoridad nang hablutin ang mamahaling cellphone ng kanyang katabi sa pampasaherong dyip sa Mac-Arthur Highway, Marilao, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Gilbert dela Cruz, nakapiit­ ngayo­n at nahaharap sa administrative case matapos hablutin ang cellphone ng biktimang si Aileen Carpio.

Sa inisyal na imbestigasyon, katabi ng suspek ang biktima sa loob ng jeep at bumabagtas sa kahabaan ng Mac-Arthur Highway sakop ng Marilao nang biglang hablutin ang cellphone ni Carpio habang ito ay nagbabasa ng text message.

Hindi nasiraan ng loob ang biktima at hinabol ang suspek at sa tulong ng concern citizen ay kaagad itong ipi­naaresto sa nagpapatrolyang Marilao police. Umaming nagawa ang krimen dahil lulong sa sugal.