Una sa Balita

Kagawad mas piniling magtulak kesa mag-checkpoint

0 428

Mas piniling magsolo ng isang barangay kagawad kesa sa makipagtulungan sa kapwa barangay officials na magsilbi bilang frontliners sa kanilang mga lugar sa pagpapatupad ng community quarantine nang madakip ito sa pagbabenta ng shabu sa San Pablo City, Laguna.

Naaresto ng mga pulis sa buy-bust operation si Ricaredo Dimatulac Dungo, 53 anyos, residente at kagawad ng Barangay Brgy. VII-E noong Martes ng hapon, Marso 24.

Pinosasan ito ng mga awtoridad matapos makapagbenta ng isang sachet ng shabu sa pulis na poseur buyer.

Narekober pa dito ang lima pang sachet ng shabu na tinatayang may street value na P2,500.00.

Naka-“quarantine” na ang kagawad ngayon sa custodial facility ng San Pablo police station. (Ronilo Dagos)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More