Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kagawad inutas sa harap ng anak

0 445

Tinumba ng mga gunman na sakay ng motorsiklo ang katatalaga pa lang na barangay councilor sa harap mismo ng kanyang anak sa General Santos City Lunes ng umaga.

Ayon kay Capt. Abdulsalam Mamalinta, hepe ng Pendatun Police Station, binaril at napatay si Barangay Baluan Councilor Abdulmajid Mamalumpong dakong alas-8:20 ng umaga sa isang gasolinahan sa Barangay Dadiangas North.

Pasakay na sana ang biktima ng sasakyan nang lapitan ng dalawang nakamaskarang suspek na riding in tandem at pagbabarilin.

Nasaksihan ang krimen ng anak ng biktima na nasa loob ng naka-park nilang sasakya na Mitsubishi.

Patay on-the-spot si Mamalumpong dahil sa limang tama ng bala sa ulo at katawan habang nakatakas ang mga suspek patungo sa national highway sakay ng motorsiklong Yamaha Sniper 150.

Nakaraang Hunyo 3 nanumpa ang biktima bilang kagawad ng Barangay Baluan para palitan ang nakababatang kapatid, na pinatay din sa Amao Road sa Barangay Bula noong Marso 3. (PNA)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.