Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kagawad, 4 pa nasukol sa quarrying

0 199

Pinosasan ang limang kalalakihan, kabilang ang isang kagawad, matapos mahuli sa aktong gumagawa ng illegal quarrying sa kahabaan ng Aringay River, Tubao, La Union kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Aringay Police Station (APS) ang mga suspek na sina Irzo Mapalo, 50, barangay kagawad at operator ng dump truck; Lito Orencia, 40, pay loader operator; Sammy Laconsay, 50, backhoe operator; Rolly Salvatiera, 37, driver ng isa pang dump truck, at Michael Orencia, 39, helper.

Sa report ng APS, bago ang pag-aresto sa mga suspek, may tumawag sa telepono sa himpilan ng pulis at nagsumbong na mayroong gumagawa ng illegal quarrying sa Aringay River.

Agad na nagresponde ang awtoridad at binulaga ang mga suspek na nasa aktong kumukuha ng buhangin sa nasabing ilog nang walang kaukulang permit galing sa local government unit ng Aringay.

Matatandaan na nag-isyu ang La Union provincial government ng kautusan sa pagbabawal sa illegal quarry operations sa kahabaan ng Aringay River nito lang Setyembre 23.

Nabatid na dinala na ang mga suspek sa APS at sasampahan na ng kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.