Una sa Balita

Kagawad, 1 pa timbog sa pagtutulak ng droga

By
0 3

Nadakip sa buy-bust operation ng pulisya ang isang barangay kagawad at babaeng kasama nito dahil sa pagtutulak umano ng iligal na droga kamakalawa ng gabi sa Legazpi City, Albay.

Hindi na nakapalag ng arestuhin ng mga tauhan ng Legazpi PNP ang suspek na nakilalang si Ronnie Abunda, kagawad ng Barangay 24, Rizal ng nasabing lungsod gayundin ang kasama nitong si Corazon Gonzales, nasa hustong gulang.

Nakuha sa pag-iingat ng dalawang suspek ang limang piraso ng sachet ng pinaniniwalaang shabu gayundin ang marked money na ginamit sa nasabing operasyon.

Sa ulat ng pulisya, pasado alas-nuwebe ng gabi nang magsagawa ng buy-bust ope­ration ang pulisya laban sa mga suspek hinggil sa marami ng reklamo ng pagbebenta ng iligal na droga ng konsehal.

Matapos makabili ang poseur buyer ng droga sa suspek na kagawad ay agad na dinakma ito ng mga awtoridad na nakapaligid sa lugar.