Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Kadiri kayo!’ Camille nilantad mga ‘babae’ ni Jayzam

0 163

Super trending ang maituturing na Top Online Couple sa bansa na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sila lang naman ay may mahigit 12 million subscribers sa YouTube, iba pa ang million subscribers nila sa mga individual account nila.

Pareho rin silang talent ng PPL Entertainment, Inc. kaya kapatid nila sa management sina Dingdong Dantes, Jolina Magdangal at marami pang-iba. At Star Music artists din sila dahil last year, naglunsad sila ng kanilang album.

Bukod sa pagiging sikat na mga vlogger, marami na rin silang endorsements at recently lang, nag-venture sila sa iba’t ibang business.

Pero, nabulabog, lalo na ang mga “Mandirigma” (tawag sa kanilang mga tagahanga) sa sunod-sunod na post ni Camille sa kanyang Facebook page. Nilantad ni Camille ang nadiskubreng panloloko o pambabae raw ni Jayzam.

At sab inga niya, “Akala ko tatlo lang pero apat pala sila. Sana naman wala nang lumabas dahil sobrang sakit na. Para sa pang-apat na babae chat ka nang chat sa akin kung okay lang ako ngayon tapos puta nakipaghalikan ka rin pala? At sa sasakyan pa namin?! Walanghiya kayo! Nakakadiri kayo!

“Ikaw kung matino ka maliligo ka na lang magse-send ka pa ng suso mo? At Jayzam sobrang grabe na to. Feb 13? Nag away tayo niyan may pa-post-post ka pa na sumasayaw ng chivalry is dead dahil gusto mo ulit manligaw, dahil sa ginawa mong kasalanan sa kapatid kong si Obrie, may pabili-bili ka pa ng bulaklak dahil valentines day?!

“Tapos pag tapos nun dapat matino ka na?! Dahil okay na ulit tayo?! So Feb 15 natapos lahat ng kalokohan ni Jayzam hindi na nag-inom wala na rin kami kasama sa bahay kundi magulang na lang.

“Pero ngayon na naglabasan lahat hindi ko na kinakaya pa. At walang tigil tong isip ko kung bakit nagawa sakin to. Parang awa mo na sana huli na tong nakita ko dahil sobrang sakit na ng ginawa mo. Wala na kong luhang maipatak dahil ubos na ubos na ko!” ang mahabang post ni Camille.

Marami pang ipinost si Camille, kabilang ang mga picture ng mga babae na diumano’y “babae” ng boyfriend.

Sa mga taga-subaybay nina Jayzam at Camille, alam ng lahat na matagal nang nagli-live-in ang dalawa at siguro, kung may kulang man sa kanila, kasal na lang.

Nang huli namin silang makausap, naitanong pa namin sa kanila kung ano ang meron sa kanila at sa apat na taon, strong pa rin ang relationship nila na sinagot ni Camille na, “yung loyalty.”

Obviously, kampi kay Camille ang netizens at pinapayuhan ito na hiwalayan na si Jayzam. Though, from a source, magkasama pa rin daw ang dalawa. At yung mga nakakakilala sa mga ito, naniniwala at umaasang malalagpasan nila at hindi mauuwi sa hiwalayan.

Sa isang banda, napaisip kami dahil uso ang pagpa-prank ng mga vloggers. Kung sakali at prank lang pala lahat ito, ngayon pa lang, bagamat matutuwa siguro ang mga fan nila na okay pa rin sila, pero ito na ang pinaka-masahol na prank lalo na’t may mga picture pa ng mga babae na inilabas si Camille.

So sana nga, maayos na lang nilang dalawa. Sayang ang income… este, ang relasyon nila, huh!

Paul Salas takot kina Dingdong, Art

Magkasama sa bagong episode ng weekly-serye ng GMA-7, ang ‘I Can See You: The Lookout’ ang mag-tiyuhin na sina Paul Salas at Arthur Solinap.

At sabi ni Paul, ikalawang beses na raw nilang pagsasama, una sa Kara Mia, pero halos wala naman daw silang scene together.

At inamin ni Paul na basta raw mga tiyuhin o kamag-anak niya ang nakakaeksena niya, hindi raw talaga niya mapigilang kabahan.

Sey niya, “Isang karangalan na maka-work ko si Tito Art. Baby pa lang ako, nasa industriya na ‘yan. Masaya pero tulad nga ng sabi ko, palagi akong kinakabahan basta kaeksena ko si Tito Art, si Tito Dong (Dingdong Dantes), si Tito Carlo (Gonzales) hindi ko pa nakaka-eksena, e, pero lagi yun.

“Kaya nga kapag nagkaka-eksena kami ng mabigat, hindi ako tumitingin kapag nagla-line. Natatawa rin ako,” sabi niya.

Sa isang banda, ikalawang beses na ni Paul na mag-celebrate ng birthday during pandemic. At kasabay rin ng birthday niya, ang pasabog niya sa Bench pictorial, na sey ni Paul, ikalawang beses na rin daw niyang ginawa.

Sa feedback na natatanggap niya, nagustuhan naman daw ang pagpapakita niya ng katawan na naka-briefs lang siya.

“Nagustuhan naman po nila ngayon na medyo malaman at hindi payat lang.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.