Una sa Balita

Kadete ng PNPA todas sa heat stroke

0 206

PINANINIWALAANG namatay sa heat stroke ang isang kadete ng Philippine National Police Acade-my (PNPA) matapos itong mag-collapse habang nagdya-jogging sa kasagsagan ng training Martes nang hapon sa Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite.

Ang pagkamatay ni 4th Class Cadet Al-Rashhed Pendatun Macadato, 21-anyos, ay kinumpirma kahapon ni PNPA Director Police Brig General Chi-quito Malayo.

Ayon kay Malayo, dakong alas-4:45 nang hapon noong Martes nang bigla na lang mag-collapse si Macadato habang nagsasagawa ng afternoon road run.

Agad namang dinala ng mga kapwa kadete sa PNPN Medical Dispensary ang biktima at matapos na malapatan ng paunang lunas ay mabilis din itong inilipat sa Qualimed Hospital sa Sta. Rosa, Laguna subalit gabi din ng kaparehas na araw ay binawian na din ito ng buhay.

Ayon naman sa attending physician na sumuri sa biktima, wala naman itong pinsala sa katawan o anuman pasa o sugat kaya inaalis ang anggulong hazing sa pagkamatay nito.

Ang basic standard training ng PNPA ay kinabi-bilangan ng jogging, push-ups at pull-ups subalit dahil sa sobrang init ng panahon ay kinakailangang uminon ng kadete ng 12 baso ng tubig kada araw.

Siniguro naman ni Malayo sa pamilya ng nasawing kadete na iimbestigahan nito kung may mali sa isinagawang training at sa schedule nito.(Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy