Una sa Balita

‘Kadenang Ginto’ teen stars pambato sa pormahan

0 370

Gaya ng ibang teenagers, mahilig mag-check ng kanilang mga kpop idols, madalas pag-usapan ang mga favorite movies o series, at gala everywhere with friends.

Ganito rin ang mga eksaktong katangian na natagpuan sa da­lawang ‘Kadenang Ginto’ teen stars na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

Bagaman madalas ang kontrahan sa telebisyon bilang Marga at Cassie, magandang pagkakaibigan naman ang nabuo ng dalawa sa likod ng camera bilang indibidwal.

“Kami talaga ‘yung love team,” ani Andrea.

Nagmistulang manika nga ang dalawa para sa kanilang magazine shoot ng Preview PH kung saan sila pa ang mga cover girl.

Dream come true rin, aniya, ito para kay Francine.

Related Posts

Bilang ilan nga sa mga favorite teen star ng henerasyon ngayon, dalawa rin silang inspirasyon ng kabataan pagdating sa pormahan.

Ito rin ang kauna-unahang beses na bibida ang dalawa sa natu­rang sikat na magazine kaya naman ngayong Agosto, excited na sila para sa kanilang magazine feature, at siyempre pati ang kanilang mga fan.

Parehas man silang bata pa, na-pull off naman ng dalawa ang vintage theme ng kanilang outfit.

Pagdating kasi sa fashion, nanunumbalik ngayon ang taste ng mga tao para sa vintage o ‘di kaya iyong makaluma ang datingan na hinahaluan ng modern flavor.

Sa pamamagitan nga ng dalawang teen star, nabigyan nila ng magandang outcome ang vintage theme at nalarawan pa bilang ‘dreamy cover girls’.

(Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy