Una sa Balita

‘Kadenang Ginto’ patok sa Myanmar

0 387

Patuloy ang pagbuhos ng tagumpay para sa “Kadenang Ginto” dahil tinatangkilik na rin ito ng mga manonood sa Myanmar bilang pinakabagong Kapa-milya teslerye na umeere sa sikat na Sky Net Channel.

Natutunghayan ang ­“Kadenang Ginto” mula Lunes hanggang ­Huwebes tuwing alas-siyete nang gabi at ipinakilala na nga ang magandang kuwento nina Andrea Brillantes, Beauty Gonzalez, Dimples Romana, at Francine Diaz, pati na ang love teams ng SethDrea (Andrea ­Brillantes at Seth Fedelin) at KyCine (Kyle Echarri and Francine Diaz). Kaya ngayon pa lang ay sikat na nga sina Daniela at Romina sa bansang ‘yan, ha!

Sumusunod ang “Kadenang Ginto” sa yapak ng iba pang teleserye ng ABS-CBN na ­tinatangkilik ngayong 2019 sa ibang bansa tulad ng “Pangako Sa’Yo” sa Dominican ­Republic, “Halik” sa Africa, “Forever­more” sa Thailand, “Asintado” sa ­Kazakhstan, “Wildflower” sa French islands sa Pacific at Indian oceans, at ang upcoming co-production ng ABS-CBN at Limon Yapim ng “Hanggang Saan” sa Turkey.

Ang Sky Net channel, na siya ring nagdala ng “Ngayon at ­Kailanman” sa Myanmar, ang ­nagpaplabas ng “The General’s Daughter” sa naturang bansa mula Biyernes hanggang Sabado, 9PM. (Dondon ­Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More