KADAMAY mang-aagaw ulit ng pabahay

By

Dapat siyasatin ng National Housing Authority (NHA) kung may katotohanan na nagdadagdag ng mga kasapi ang urban-poor group sa Bulacan para sa kanila umanong panibagong pagsugod sa ilan pang bakanteng relocation site o pabahay ng gobyerno lalo na sa bayan ng Bocaue at Bustos, kapwa sakop ng ikalawang distrito ng probinsya.

Sa impormasyong nakalap ng Abante, maraming Bulakenyo na walang sariling bahay ang napapabalitang lumalahok na sa mga pagtitipon ng urban poor group lalo sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) para maging lehitimong miyembro sila at magkaroon ng pagkakataong magkaroon ng sariling bahay sa mabilis na paraan.

Kumpirmadong pinabantayan nina Bocaue Mayor Joni Villanueva-Tugna at Bustos Mayor Arnel Mendoza ang mga bakanteng yunit ng pabahay ng gobyerno na nakalaan sa mga pulis, military, at sa mga lehitimong benepisyaryo na dumaan sa sistema bunsod ng bantang muling sasalakay para mang-agaw ng bahay ang KADAMAY.

Nabatid na mayroon pang mahigit 4,000 housing unit ang NHA sa Barangay Batia, Bocaue at nakatunog umano si Mayor Villanueva-Tugna na may panibagong plano umano ang urban-poor group para sumugod kaya nakaalerto ang lokal na pamahalaan at kapulisan sa posibleng pag-atakeng muli ng grupo matapos na mabigo sa kanilang unang pagtatangka noong Abril.

SHARE