Una sa Balita

Kadamay-Davao palaban

By
0 87

ZAMBOANGA CITY — Nagbabadya ang malaking kaguluhan sa pagitan ng mga miyembro ng urban group KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap dahil sa bantang demolisyon sa maraming bahay sa Davao City.

Nag-protesta na rin ang mga ito sa Quezon Boulevard na kung saan ay target ng demolisyon ang mga squatter sa Barangay 26-C.

Humihingi ng pabahay ang marami sa kanila, ngunit nangangamba naman ang mga awtoridad na posibleng okupahan ng KADAMAY ang mga housing projects ng pamahalaan na hindi laan sa kanila tulad ng naganap sa Bulacan.

Binanatan rin ng mga miyembro ng naturang grupo ang mayayamang negosyante na may-ari ng malalawak na lupain sa Davao kabilang ang RVS Realty Corporation, Union Bank at angkan ng Monteverde-Garcia.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy