Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kacific Satellites mas mabilis na broadband internet, pinakilala na

0 300

Pinakilala na ang nag-iisang satellite operator na magbibigay ng high speed internet service mula sa StellarSat Solutions Inc. na Kacific Broadband Satellites Group na ipinakita at ipinakilala ang kanilang vision at mission na makapagbigay ng mabilis na internet mula sa satellite broadband na naganap sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

Ayon kay Kalvin Laurence Antonio Parpan, Chairman and Chief Executive Office (CEO) ng Stellarsat Solutions Inc., na ang kanilang global partner na Kacific Sat ay kayang magserbisyo ng 600 million katao sa loob 25 bansa.

Ang Kacific Broadband Satellites ay ipinakilala sa bansa noong 2019 na kung saan ginamit ito para mapalawak ang negosyo at serbisyo mula sa mga komunidad na gumagamit ng internet para mapabilis ang pagpasok negosyo, gayudin sa kalidad ng edukasyon ay nagagamit para sa online schooling.

“With Kacific’s Ka Band satellite technology and Stellarsat’s plans, higher download and upload speeds for everyday usage can be achieved at a more flexible and affordable price points better than the previous technologies coming from both Ku and C bands,” ayon pa kay Parpan.

Ang Stellarsat Solutions Inc at ang Kacific Broadband Satellites Group ay nagsulong kamakailan ng kanilang corporate partnership nang pumasok ang FlexVNO (virtual network operator) sa kasunduan na nagpapahintulot sa Stellarsat na maging isang strategic premier virtual network operator na kayang mag-install ng satellite dishes sa bansa.

Kaya nitong maglaan ng mapagkakatiwalaang high speed broadband na may bagong oportunidad para sa public and private enterprises na makita ang kanilang pangangailangan sa broadband equirements mula da ibat ibang industries ng education, healthcare, governments, military, banking, telecom, tourism, power at higit sa.lahat ang pangangailangan ng pamilyang Pinoy.

Nabatid na ang mga developments at achievements ng Kacific ay nagpapakita ng intensyon at commitment ng kumpanya na ibahagi ang kanilang vision and mission na maglaan ng de kalidad at maaasahang broadband infrastructures na makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya at aahon sa bawat Pilipino. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.