Una sa Balita

Kabuluhan ng pagkababae ni Charo bubusisiin sa pelikula

By
0 1,753

Matagal nang pangarap ng BG Productions International producer na si Baby Go na makatrabaho sa isang pelikula ang multi-awarded actress at ABS-CBN executive na si Charo Santos-Concio.

May naganap na negosasyon sa pagitan ni Go, ng direktor na si Mel Chionglo at ni Lualhati Bautista para isalin sa pelikula ang kuwento na isinulat ng award-winning novelist, ang Sixty In the City na bagay na bagay kay Charo ang kuwento.

“Nagsimula ang pro­ject na’to, actually, because nag-offer kami kay Miss Charo Santos-Concio ng project as early as first quarter ng 2017. Nauna pa nga ako na mag-offer sa kanya ng project ahead of Lav Diaz.

“However, medyo natagalan kami sa pagha­hanap ng material na magugustuhan niya at siya (Charo) ang nagrekomenda ng nobela ni Lualhati Bautista, to be adapted into film by herself. Siya ang magsusulat ng script.

“Ito ay napapanahon dahil ito ay tungkol sa mga babae na who have reached their senior year, naghahanap sila ng tunay na kabuluhan ng kanilang pagkababae, ng lugar nila sa society.

“Kasama niya ang kanyang pamilya, mga anak, asawa at ‘yung tatlong magkakaibi­gan na ito ay dumaraan sa maraming pagsubok ngayong ganito na ang edad nila.

“It’s very painful, I think it’s very important para sa mature audiences ng pelikulang Pi­lipino. Also at the same time, ipinapakita ang relasyon ng mga babaeng ito who all have children sa kanilang mga anak.

“Sana, magawa agad ito but we are also negotiating with Charo regarding her availability­ because tapos na ni Lualhati Bautista ang screenplay,” ang paliwanag ni Chionglo tungkol sa mainstream mo­vie na project nila ni Go para kay Charo.