Una sa Balita

Kabul bombing kinondena ni Pope Francis

By
0 88

Tinawag ni Pope Francis na ‘brutal act of violence’ ang nangyaring pambobomba sa Kabul, Afghanistan na ikinasawi ng mahigit na sa 90 katao at ikinasugat ng 400 iba pa.

Ito ang pagsasalarawan ng Santo Papa matapos na ipaabot nito ang kanyang pakikiramay sa pamil­ya ng mga naging biktima ng magkakasunod na suicide bombing.

Sa mensaheng ipinadala ni Pope Francis sa pamamagitan ng Vatican Secretary of State, Cardinal Pietro Parolin, agad niyang ipinagdasal ang mga kaluluwa ng mga biktima.

Nanawagan din ito sa mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pagdarasal sa mga biktima at ganoon din ang kapayapaan sa lugar.

Magugunitang isang truck ang sumabog dakong alas-8:30 ng umaga sa Kabul ilang metro sa German Embassy.

Kaugnay nito tiniyak naman ng Departmment of Foreign Affairs (DFA) na walang OFWs ang nadamay o nasaktan sa nasabing pagsabog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy