Una sa Balita

Kabuhayan para sa kababaihan

0 679

Tuwing Marso ipinagdiriwang ang Women’s Month at isa ito sa mga patuloy na sinusuportahan ng Office of the Vice President (OVP). 

Sa programang Angat­ Buhay ni VP Leni Robredo, women empower­ment ang isa sa mga ginagamit na instrumento laban sa kahirapan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad na matuto ang kababaihan ng iba’t ibang paraan ng kabuhayan, binibigyan din natin sila ng pagkakataong mapagbuti ang pamumuhay nila at ng kanilang pamil­ya. Binibigyan natin sila ng kapangyarihang baguhin ang kanilang kinabukasan. 

Marami-rami na rin tayong kuwento tungkol sa kababaihang kasali sa programa ng Angat Buhay ni VP Leni. Marami-rami na rin tayong mga pamilyang natulungan sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kababaihan. 

Kung kaya’t ngayong Marso 15-17, mayroon tayong isang Women’s Bazaar na ginaganap sa Gateway Mall Activity Center, Araneta Cubao. 

Sa bazaar na ito, makikita ang samu’t saring mga produkto ng ating kababayang nagpursigi at nakipag­tulungan sa Angat Buhay, pati na mga partner nito para mapalago ang kanilang mga negosyo. 

Dito makikita ang pinaghirapan at pinagtrabahuan natin ng higit sa tatlong taong pagbibisita sa ating kabayayang nasa pinakamalalayo, pinakamaliliit, at pinakamahihirap na bayan. Dahil sa amin sa OVP, hindi lang pinagtutuunan ng pansin ang kababaihan tuwing Women’s Month. 

Isa sa mga exhibitor si Mocrimah Mohammad. Naalala niyo pa siya?

Isa siya sa mga bakwit nang magkaroon ng kaguluhan sa Marawi. Kinuwento niya noon kung gaano kahirap ang kanilang kalaga­yan, lalo pa’t wala ring mapagkakakitaan. 

Sumali si Mocrimah sa Women Entrepreneurs’ Workshop na isinagawa natin dalawang taon na halos ang nakalilipas. Ngayon, patuloy ang paglago ng mga produkto na habi ng Dayawan Handicraft and Loom Weaving­ Products kung saan kasali si Mocrimah at iba pang kababihan mula sa Marawi City. 

Naalala ko pa ang kuwento ni Mocrimah nang kausapin namin siya tungkol sa natutunan sa workshop ng Angat Buhay. Sabi niya, ”Ang laki ng tulong niya. 

“Ang nakita ko kasi na napakagandang impact nito, ang mga traditional way of life ng mga kababaihan which is sa bahay lang, ngayon na nabigyan sila ng hanapbuhay na natuto silang mag-earn ng income, makipag-socialize,” dagdag niya.

Maliban sa grupo ni Mocrimah, kasali rin sa Women’s Bazaar ang Yakan Weaver Organization mula sa Lamitan City, Basilan, pati ang Kiangan Weavers Association mula sa Kiangan, Ifugao. Ang mga komunidad na ito, kung maaalala niyo ang mga bayang patuloy na tinutulungan ni VP Leni at ng mga Angat Buhay partner. 

Isa lang ang Women’s Bazaar na ito sa mga proyektong nagpapa­kita na may nagagawa tayo para sa ating kababayan. At nga­yong Women’s Month, nawa’y ipagpatuloy natin ang suporta sa bawat Pilipinang nagnanais ng mas magandang bukas hindi lang para sa kanyang pamilya, kung hindi para rin sa kanyang bayan. 

Happy women’s month po sa lahat! Puntahan po natin ang Women’s Bazaar sa Gateway Mall Activity Center at makiisa sa kalakasan ng kababaihan. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy