Una sa Balita

Kabuhayan ng mga magsasaka iaangat ni Tañada

By
0 546

HINDI man Batangueño ay inendorso pa rin ng One Batangas ang dating congressman na si Erin Tañada, kasama ang dalawa pang kandidato rin ng Otso Diretso na si Chel Diokno at MacaRomy Macalintal.

Tinuturing ni Erin na karangalan na mapabilang sa mga kandidatong ineendorso ng partido nina Batangas Rep. Vilma Santos at asawa niyang si Senator Ralph Recto. Inanunsyo nila ito sa isang pagtitipon kasama ang iba pang mga lokal na opisyal ng Batangas sa Lipa City.

Dahil sa pagtitiwala sa kanya ng mga taga-Batangas, lalo pang paiigtingin ni Erin ang kanyang pagsulong sa pagbabalik sa magsasaka ng coco levy fund at ng national minimum wage para iangat ang buhay ng mga mahihirap na magsasaka at iba pang mga sektor.

“I am both thankful and proud of One ­Batangas’ endorsement. They house the very sectors, workers and farmers, that have a special place in my heart. I will keep pushing for national minimum wage and coco levy fund. This is the least I can do for them as I know they will be behind me all the way,” ani Erin.

Bago pa man tumakbo sa pagka-senador si Erin, tumatak na ang kanyang pangalan sa ­Kongreso noong isinulong niya ang mga panukalang Universal Health Care, pagbalik ng Coco Levy, Coconut Farmers’ Trust Fund, Renewable Energy Act, Anti-Torture Act, at paggawa ng ­Peoples’ Survival Fund.

Bukod kay Erin, Chel at MacaRomy, kabilang din sa Otso Diretso slate sina Senator Bam Aquino at Magdalo Congressman Gary Alejano; ang mga nagbabalik na lingkod-­bayan na dating senador Mar Roxas; at ang mga bago ring sasabak sa politika: ang dating Solicitor General na si Florin Hilbay at dating ARMM assemblywoman na si Samira Gutoc.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy