Una sa Balita

Kabubukas na YouTube account ng Arashi dinumog

0 1,140

Sa wakas, may YouTube account na ang Japanese boy band na Arashi!

Sunud-sunod ang pagpo-post nila ng mga music video ng 5-man group ngayong alas-kuwatro ng hapon, Oktubre 9, 2019.

In-upload na ang music video sa mga kanta nilang “Monster,” “truth,” “Happiness,” “Love so sweet,” at “A.RA.SHI.”

Hindi magkamayaw ang mga Arashian sa Pilipinas, kaya naman Top 4 trending ito sa Twitter ngayong Miyerkoles.

Binuksan na rin ang kanilang Spotify Japan account ngayong araw.

Setyembre 1999 nang buuin ng Johnny & Associates talent agency ang banda nina Ohno Satoshi, Sakurai Sho, Aiba Masaki, Ninomiya Kazunari, at Matsumoto Jun. Sa darating na Nobyembre 3 na ang ika-20 anibersaryo ng nasabing grupo. (Riley Cea)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy