Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kabog mga bagong kasal: Maine, Arjo malagkit ang titigan sa simbahan

0 239

Super close na talaga si Arjo Atayde sa pamilya ni Maine Mendoza.

Katunayan, imbitado, at isa sa mga ‘abay’ si Arjo sa kasal ng utol ni Maine, si Nico Mendoza, kay Prescilla Krishna.

Makikita nga ang mga photo na parang miyembro na rin ng pamilya si Arjo, na super chika nga at madalas ka-bonding ni Nico noon pa man. May mga moment na magkasama silang nagbibisikleta at nagpupunta sa kung saan-saang lugar.

Meaning, ginawa talaga ni Arjo ang dapat gawin ng isang lalake na nanunuyo sa pamilya ng minamahal niyang babae.

At siyempre, marami rin ang kinilig sa mga photo nina Maine (na obyus na isa rin sa mga abay) at Arjo na magkatabi. Sayang nga raw ang kulay pula ang suot na gown ni Maine, dahil kung naging white ang suot nito, mapagkakamalan ang dalawa na bagong kasal. May photo ang dalawa na halos langgamin talaga sa matinding titigan.

At dahil kasal na si Nico, sino naman daw ang susunod na ikakasal sa pamilya Mendoza? Si Maine na ba, at siyempre kay Arjo, di ba?

***

Xian malapit nang mag-propose kay Kim

Super sa pagka-cheesy ngayon si Xian Lim kay Kim Chiu. Napapadalas nga ang pagpu-post niya sa Instagram ng mga photo nila na naglalambingan, at may caption na maiihi ka talaga sa sobrang kilig.

Tulad nga ng latest IG post ni Xian kay Kim na halos tuklawin na niya ang dalaga.

“Everytime I look at you, it still feels like the first day we met…❤” sey ni Xian.

Siyempre, hindi rin maitago ang kilig kay Kim, at kahit sa Instagram story niya, makikita rin ang mga kilig moment nila ni Xian, na nagpapasaya talaga sa kanya.

Kaya ang mga fan, nakakaamoy na ng something sa dalawa. Panay ang push nila na ituloy na ang dapat ituloy, at `yon ay alukin na rin ni Xian si Kim ng kasal, o mag-propose na ito sa dyowa niya.

joesapascua: Kilig much naman talaga kayo..iba love love love sana Xian mag-propose kana kay Kimmy hehehe.”

scorpiongirl111181: “ (singsing)

Zurc Aled Leba (@scorpiongirl111181) on Instagram • 0 photos and videos
3 Followers, 81 Following, 0 Posts – See Instagram photos and videos from Zurc Aled Leba (@scorpiongirl111181)

nalang ang kulang sa inyong dalawa. love you KimXi.”
Well, kelan nga ba Xian?

***

Richard Yap makiki-bonding sa Legaspi family

Exciting ang weekend dahil makakasama ng Legaspi family ang newest Kapuso actor na si Richard Yap ngayong Sabado (January 23) sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’

Alamin ang favorite hobbies at “me time” activities nina Carmina Villarroel, Casy, Mavy, at Zoren Legaspi sa kanilang tahanan.

Ipapasyal naman ni Richard ang Kapuso viewers sa kanyang bahay at ibabahagi rin niya ang ilan sa kanyang hobbies.

Bukod sa masayang chikahan, ‘wag din palalampasin ang 5K Giveaway treat para sa happy peeps ngayong Sabado (January 23) sa ‘Sarap, ‘Di Ba?, 10AM, sa GMA-7!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.