Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kabog mayayabang na aktres: Bea naglustay ng milyon sa artwork

0 120

Kilalang art lover si Bea Alonzo. Katunayan, ang bahay niya ay puno ng mga malalaki, mamahaling painting, mula sa mga kilalang pintor.

May isang painting si Bea na pinagsama-samang mukha ni Anne Curtis, na hindi mo mahahalata kung hindi mo tititigan nang malapitan.

Yes, super bongga si Bea pagdating sa pagkokolekta ng mga mamahaling art work. Isang bagay na hindi nakagawian ng maraming artistang babae. Diyan nga angat si Bea sa ibang artista, na puro bags, sapatos ang kinukolekta.

Kaya lahat ng mga artistang nagpupunta sa bahay niya, manghang-mangha, gandang-ganda. Amoy na amoy mo nga na sobrang mahal ng mga laman noon.

Anyway, sa vlog content ni Bea na “Spill Your Guts,” kung saan ay guest niya ang Beks Battalion na sina Chad Kinis, Lassy, MC Muah, isa sa mga naitanong ay kung gaano kamahal ang binili niyang gamit.

Sa simula ay parang nahiya, nag-alangan si Bea na sagutin ito. Pero, napilitan nga siyang sagutin `yon, dahil na rin sa kakulitan ng mga beki.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bagamat hindi nagbigay ng eksaktong halaga ang aktres, nagbigay na lang siya ng clue.

“Sige, seven digits,” saad ni Bea.

Well, kanya-kanya ngang hula ang mga beki kung anong art piece ‘yon, na ang joke nga nila ay gusto nilang matingin o nakawin.

Well, panoorin niyo ang YouTube channel ni Bea tungkol sa ‘house tour’ niya, at makikita niyo ang art work na `yon.

Bongga, di ba? (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.