Una sa Balita

Kabog ang misyon ng CWS Party-list

0 398

Nanindigan ang Construction Workers Solidarity Party List (CWS Party-list) na hindi tamad ang mga Pinoy construction worker katulad ng gustong palabasin ng ilang grupo kaya pinapaboran ang mga dayuhang manggagawa gaya ng mga Chinese.

Sa ngayon ay talaga naman kasing naglipana ang mga foreign worker at ang matinding pati mga trabaho katulad ng pagiging construction worker ay napapelan na nila.
Kaya nararapat lamang talaga na magkaroon ng kinatawan ang nasabing sector sa ating Kongreso.

Pero siyempre hindi lamang pagi­ging kinatawan kundi kailangan din ang kanilang marubdob na paninindigan sa pagtataguyod sa kanilang karapatan katulad ng mga benepisyong legal particular ang SSS.

Sa pamamagitan ng CSW ay magbibigay sila ng dagdag na pag-aaral para makasabay sa advance skills ng ibang bansa katulad ng mga Chinese national ang ating mga construction worker.

Ang kapakanan ng mga Pilipino construction worker ang hangad ng CSW upang umangat ang dunong at galing ng nasabing hanay at hindi malayong magresulta ito ng matibay at matinong mga construction work at project sa bansa.

Sa sandaling maisakatuparan ang misyong ito ng CSW ay paniguradong aa­ngat ang dignidad ng ating mga kababa­yang construction worker.

Ang katatagan ng dignidad ng ating mga construction worker ay paniguradong hahantong sa pagkakaroon ng tamang pagkakakitaan sa panghinaharap.

Kaya sana ay mabigyan ng tsansa ang grupong ito na kakatawan sa mga construction worker sa Kongreso upang maiangat ang kanilang hanay.

Sabagay hindi lang naman ang kanilang hanay ang matutulungan sakaling maluklok sa Kamara kundi maging ang sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaroon ng matibay na mga istraktura na magbibigay sa ating lahat ng kaligtasan lalo na ngayong dumadalas ang lindol.

Pangunahing no­minado ng party-list group na ito ay si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Romeo Momo na sa tingin ko ay swak sa posisyong kanyang kinakatawan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy