Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kable ng telepono pinutol, 3 kelot hinawla

0 265

Kulong ang apat na kalalakihan matapos pumutol umano ng mga kable ng telepono na nagkakahalaga ng P48,000 sa Silang, Cavite Lunes ng hapon.

Kasong qualified theft ang kinakaharap nina Erwin Tampes, 28-anyos, driver-technician; Jeffrey Opriano, 36, driver-technician; Vincent Melver Santos, 19; at Raymond Condino, 37, dahil sa reklamo ng PLDT.

Sa ulat ni P/MSgt. Johnny Dumangeng ng Silang Police Station, nagsasagawa ng pagpapatrolya ang mga guwardiyang sina Jeffrey Hinayon, 36, at Erwin Malaylay, 41, sa kanilang nasasakupan partikular ang pag-aari ng PLDT sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Lalaan 2nd sa Silang, Cavite dakong alas-1:03 kamakalawa ng hapon nang mapansin nila ang isang puting van na may Miescor marking na nagpuputol ng kable ng PLDT at saka inilagay nila ito sa loob ng kanilang sasakyan at mabilis na umalis.

Hinabol ng dalawang sikyo ang sasakyan ng mga suspek hanggang sa makorner nila ito sa Brgy. Sabutan ng nasabing bayan kung saan narekober ang tinatayang mahigit sa walong pulgadang haba ng kable na nagkakahalaga ng P48,000. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.