Una sa Balita

Kabit ng staff ibinalandra sa Facebook

0 834

BALAK daw ideman­da ni misis­ ang kanyang mister matapos itong sumakabilang-bakod eheste sumama sa seksi at morenang tsiks.

Itong si mister, ayon sa nakalap na impormasyon ni Mang Teban, ay nagtatrabaho sa isang senatoriable at may mahala­gang papel na ginagampanan sa kandidato.

Ang morenang tsiks ay may mahabang buhok at minsang nagtrabaho sa isang mam­babatas.

Sa galit ni misis, ipinost pa niya ang larawan ng babae sa Facebook kung saan makikitang magkatabi ang mag-asawa, habang nasa isang sulok naman si kabit.

Lantarang sinabi ni misis sa kanyang mga kaibigan sa FB na ang nasabing babae ang siyang sumira daw sa pagsasama nilang mag-asawa.

Pintahan niyo na. Ang staff na balak idemanda ni misis ay may letrang R sa pangalan at nagtatrabaho sa senatoriable­ na may L sa apelyido as in Lover.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy