Una sa Balita

Kabit ng bayan

0 267

Magandang araw mga kapitbahay lalo na sa mga taga-Makati City.

Ayan, may clue na ako sa ichi-chika kong kapitbahay ko.

Ako nga pala si ­Mercy, pero may mercy pa rin sa nakakagi­gil kong kapitbahay na itago natin sa pangalang Cathy as in ‘makati’.

Sobra na kasi akong ­affected sa kagagahan ni Cathy. Alam n’yo bang kung tawagin siya ng mga kabarangay ­namin ay ­‘kabit ng bayan’?

Paano naman, halos lahat na yata ng lalaki sa amin ay kursunada niya, kahit may sabit ay pinapatos niya.

Naaawa na nga ako sa mga ­magulang niya dahil sila ang nagdadala ng kahihiyan.

Imagine, kagawad ang kanyang nanay pero my goodness, sobrang kahihiyan ang idinudulot niya dito.

Mukhang alam naman ng kanyang ina pero wala itong magawa sa kagagahan ng anak dahil malakas itong mag-akyat ng pera sa kanilang bahay.

Gusto ko nang umepal sa problema nila pero baka imbes na makatulong ay ako ang bumagsak sa kulungan.

Nagpapasalamat,
Mercy

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More