Una sa Balita

Kabit, kamag-anak lusot sa anti-dynasty bill

By
0 1,661

SA kabila ng kanyang paglagda sa committee report na isinumite ni Senador Francis Pangilinan kaugnay sa anti-dynasty bill, inihayag ni Se­nate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto na hindi buo ang suporta niya sa nasabing panukala.

“Signing a committee report does not mean one is in favor. I signed dissenting,” sabi ni Sotto.

Maituturing din aniyang hindi patas sa mga legitimate family member ang panukala dahil sila ang pinagbabawalang ku­mandidato habang ang mga kabit at kanilang mga kaanak ay puwede.

“An anti-political dynasty bill is unfair to legitimate family members. A wife or anyone in the 2nd degree of consangui­nity may not run for public office but mistresses and their relatives may?” giit pa ni Sotto.

Sinabi naman ni Se­nate President Pro Tempore Ralph Recto na may mga pag-amyenda pa siyang nais isulong sa panukala upang maging katanggap-tanggap ito sa Malacañang at sa ­Kamara.

“I agree with the President, it will be difficult to pass an anti-dynasty bill. I signed it with amendments. Am thinking of a version that may be acceptable to the House and Palace so we can move it forward,” diin ni Recto.